BULGAR

Sep 24, 2020

Bubble Game ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers, Thailand ang host

ni VA - @Sports | September 24, 2020

Posibleng maging host ng planong bubble para sa pagpapatuloy ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers ang bansang Thailand.

Ito ang sinabi ni Indonesia Men’s Basketball Team manager Farez Tamrella sa panayam sa kanya ng BolaSkor.com “If the information I received [is correct], it is likely that [it is in] Thailand [where we] will play,” ayon kay Tamrella.“But it is not official yet.”

Kabilang ang Thailand at Indonesia sa Group A ng Asia Cup Qualifiers kung saan kasama din ang Pilipinas at South Korea.

Makakalaban dapat ng Gilas Pilipinas ang mga Thais sa unang window noong nakaraang Pebrero pero hindi ito natuloy dahil sa coronavirus (COVID-19) outbreak.

Dahil dito, nakaisa lamang laro ang Gilas sa unang window kontra Indonesia na kanilang tinalo sa iskor na 100-70, sa larong ginanap sa Jakarta.

Inanunsiyo ng FIBA noong nakaraang linggo na itutuloy ang mga qualifiers sa pamamagitan ng bubble set-ups mula sa dating home and away format. Dapat na makakatunggali ng Gilas ang South Korea at Thailand sa second window sa Nobyembre.

    0