BULGAR

Apr 5

BlackBerry, may ‘surprise profit’ dahil sa demand sa cybersecurity

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 5, 2024

Nag-ulat ang BlackBerry ng Canada ng kanilang ‘surprise profit’ sa ika-apat na quarter dahil sa mas mataas na demand para sa kanilang serbisyong cybersecurity sa gitna ng lumalaking krimen online.

Umakyat na sa 6.4% ang mga bahagi ng kumpanya na nakatala sa United States matapos ang sesyon.

Iniulat din ng kumpanya ang isang nababagong net profit na 3 sentimo bawat share para sa quarter na natapos nu'ng Pebrero 29, kumpara sa average na pagtaya ng mga analyst na pagkalugi na 3 sentimo, ayon sa datos ng LSEG.

    0