BULGAR

Sep 14, 2020

Bituing Niyurakan

ni Johnrey S. Reonico - @What's In, Ka-Bulgar | September 14, 2020

Sa pagmulat ng isipan,

nasilayan ko ang isang larawan,

pinag-alayan ng buhay – biniyayaan ng kabuhayan.

Ipininta sa kagandahan, kayamanan at karangyaan.

Kinulayan ng mga pangako’t,

niyurakan ng kasinungalingan.

Tayo nga ba ang problema?

O tao mismong ganid sa kapangyarihan?

Maabot lang ang nais, lahat ay tatapakan.

‘Wag na tayong mag-away o kaya’y magbolahan,

lahat tayo’y binilog, pinaikot para sa sariling kapakanan,

mga tao sa larawan, mga biktima ng nakaraan.

Kapag may hawak na kapangyarihan,

basura na ang tingin sa mamamayan,

tunay na bituin ng watawat, inaalisan ng karapatan.

Kapag may posisyon ay angat na sila,

mahal daw kasi ang bayan,

kaya’t halos ibenta sa iba.

Sa larawan na nasilayan,

hindi ko nais ng kaguluhan… hindi rin ako isang pantas,

ngunit kapag hindi ka pa nagulat, wala ka nang bansang maililigtas.

    0