BULGAR

Jul 4, 2023

Biktima ng hazing, pabata nang pabata

@Editorial | July 4, 2023

Isang kaso na naman ng hazing ang naganap kamakailan.

Nagpahayag na rin ang Commission on Human Rights (CHR) ng kahandaan na maimbestigahan ang insidente.

Kailangang mabigyan ng hustisya ang menor-de-edad na napag-alamang itinakbo sa pagamutan matapos na hindi makayanan ang mga sakit na natamo dahil umano sa hazing.

Base naman sa imbestigasyon ng Quezon City Police District, nahimatay ang biktima dahil sa hindi nito kinaya ang sakit mula sa hazing.

Lumipat umano sa grupong Magic 5 ang biktima mula sa kanyang dating grupo na Scout Royale Brotherhood Nu-Theta Chapter Fraternity.

Dahil sa nagalit umano ang kanyang dating mga kasamahan ay pinarusahan siya kung saan dinala siya sa Barangay Pagasa at inilipat sa isang shop kung saan ginawa ang hazing.

Naaresto ng mga kapulisan ang isang suspek habang patuloy na hinahanap ang iba pang sangkot.

Ilang kaso na ng hazing ang nangyari at marami na ring nasaktan at namatay. May panahon na tatahimik ang isyu hanggang sa muling iingay dahil may panibagong biktima na naman.

Sana ay ito na ang huli at mabigyan na ng hustisya ang lahat ng biktima ng hazing at mapanagot ang mga dapat managot.

    0