BULGAR

Mar 7, 2021

Bigtime drug trafficker, tiklo

@Balitang Probinsiya | March 7, 2021

LANAO DEL SUR—Isang bigtime na drug trafficker ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Mataling, Malabang.

Nakilala ang suspek na si Romie Alawi residente ng naturang bayan.

Nabatid na ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ni Alawi ay dito na ito dinakip ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang kilo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

    0