BULGAR

Apr 4

Bebot, dinedbol sa bahay

@Balitang Probinsiya | ngayong Ika -4 ng Abril, 2024

RIZAL -- Isang babae ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Cupang, Antipolo City sa lalawigang ito.

Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay itinago muna ng pulisya sa pangalang “Rosie”, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, habang naliligo sa banyo ng kanilang bahay si “Rosie” ay biglang pumasok ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na si “Rosie”.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

    0