BULGAR

Feb 9, 2022

Bayan sa Zambales magsasagawa ng COVID-19 vaccination sa bahay ng mga bedridden, senior citizens

ni Jasmin Joy Evangelista | February 9, 2022

Magsasagawa ng COVID-19 vaccination sa mga bahay ang Castillejos, Zambales LGU ngayong Miyerkules, Feb. 9, para sa mga bedridden at senior citizens.

Sa inilabas na advisory nitong Martes, sinabi ng lokal na pamahalaan na puwedeng i-register ng kaanak ang mga indibidwal na kabilang sa nasabing kategorya sa mga barangay health stations o ipagbigay-alam sa vaccination team sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang hotline.

Patuloy naman ang mass vaccination sa general population ng naturang bayan kung saan puwede ang mga walk-in sa first dose at booster shots.

    0