BULGAR

Apr 15

Batang babae, patay sa bumaligtad na trak

News @Balitang Probinsiya | April 15, 2024

Negros Occidental — Isang 12-anyos na batang babae ang namatay at sugatan naman ang walo pa nang bumaligtad ang kinalululanan nilang trak kamakalawa sa Brgy. Isio, Cauayan sa lalawigang ito.

Hindi muna pinangalanan ang nasawing batang babae at ang walong sugatan habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa naganap na aksidente.

Batay sa ulat, galing sa birthday party ang mga biktima at pauwi na sila lulan ng trak nang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang hindi pinangalanang driver kaya bumaligtad ang naturang sasakyan. 

Ayon sa report, nagkaroon ng mga pinsala sa ulo at sugat ang mga biktima at dinala sila ng mga residente sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival ang batang babae.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple physical injury laban sa driver ng trak.

    0