BULGAR

Apr 27

BARBIE, 'DI NA-HAPPY SA ACTING NI DAVID, PINAGSABIHAN

ni Ambet Nabus @Let's See |April 27, 2024

SPEAKING of Barbie, may nasagap kaming intriga na diumano'y hinamon nito ang co-star na si David Licauco na mas pag-igihin o ayusin ang mga pagdalo sa acting workshop to get better as an actor.

Noong una ay ayaw naming maniwala dahil masyadong out of character si Barbie sa naturang "act."

Pero nangyari nga diumano ang eksena sa taping ng ginagawa nilang series ngayon, na almost all-star cast from GMA stable ang composition.

Ang naturang 'hamon' nga raw ay ginawa ni Barbie sa pamamagitan ng 'pag-whisper' kay David na “ayusin pa ang pag-acting workshop,” sa isang eksena nilang tila nakulangan ang aktres.

Hmmm... 'hamon' man 'yan na challenge o 'hamon' na kinakain, sure naman kaming hindi 'yun pinersonal ni Barbie at lalong hindi naman 'yun minasama ni David.

    0