BULGAR

Aug 3, 2023

Babala na laging aawayin ni bf dahil sa pagseselos

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 3, 2023

Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joanne ng Quezon City.

Dear Maestra,

Napanaginipan ko na naghihiwa ako ng sibuyas sa kusina namin at ilalagay ko ito sa pizza na lulutuin ko sa oven. Hindi ko napansin, nasunog na pala ‘yung pizza sa oven, nasobrahan ko pala ‘yung paglagay ko ng timer.

Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,

Joanne

Sa iyo, Joanne,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naghihiwa ka ng sibuyas sa kusina n’yo, ay domestic quarrel. Mapapaaway ka sa kasambahay mo, iwasan mong magbitiw ng masasakit na salita upang makaiwas sa away.

Samantala, ang niluto mo ang pizza sa oven, ay nagpapahiwatig na magtatagumpay ka sa binabalak mong gawin. Kaya lang ang sabi mo ay nasunog ang pizza dahil nasobrahan mo ang timer, ito ay nangangahulugang magkakaroon kayo ng misunderstanding ng dyowa mo. Hindi kayo magkakaunawaan sa mga gusto n’yong gawin, maninibugho siya at aawayin ka niya dahil sa sobrang selos.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

    0