BULGAR

Mar 10, 2022

Austria sinuspinde ang mandatory COVID-19 vaccine law

ni Jasmin Joy Evangelista | March 10, 2022

Sinuspinde ng Austria ang batas nito hinggil sa mandatory COVID-19 vaccination sa adult population, ayon sa gobyerno nito noong Miyerkules, isang buwan matapos itong ipatupad.

Kabilang ang Austria sa mga bansa sa buong mundo na ginawang mandatory ang pagbabakuna kontra COVID-19 para sa mga nakatatanda.

Ipinatupad ang naturang batas noon lamang Pebrero kung saan nagpataw ng multa na aabot sa 3,600 euros o $3,940 sa mga lalabag dito.

“After consultations with the health minister, we have decided that we will of course follow what the (expert) commission has said,” pahayag ni Minister Karoline Edtstadler sa mga reporters matapos ang Cabinet meeting.

“We see no need to actually implement this compulsory vaccination due to the (Omicron) variant that we are predominantly experiencing here.”

Kabi-kabila rin ang panawagan na i-review ang batas, lalo na at nagluwag na ang bansa sa protocols at restrictions.

Noong Martes, nakapagtala ang Austria ng halos 3 milyong coronavirus cases at mahigit 15,000 deaths mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.

    1