BULGAR

Apr 26

Andrea Torres, na-meet ang mga bida ng Bridgerton S3

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | April 26, 2024

Isang dream come true para sa Filipina actress na si Andrea Torres ang pagdalo niya sa kamakailang red carpet ng "Bridgerton" season 3 sa Australia.

Nagkaroon ng pagkakataon si Andrea na makatagpo ang mga bida ng serye na sina Nicola Coughlan at Luke Newton para sa isang one-on-one session.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang isang video habang naglalakad siya sa red carpet na nakasuot ng white strapless cocktail dress.

“Am I dreaming? No. I’m living my dream,” sabi ng voiceover sa Instagram video.

Bukod sa red carpet premiere ng unang episode ng bagong season, naging bahagi rin si Andrea ng ilang water coloring at perfumery activities.

Sa kabilang banda, inaabangan ang "Bridgerton" season 3 sa Netflix, na nakatutok sa love story nina Penelope Featherington (Nicola Coughlan) at Colin Bridgerton (Luke Newton).

Ipalalabas ang first half ng Bridgerton season 3 sa Mayo 16, habang ang second half ay sa Hunyo 13.

    0