BULGAR

Apr 15

ALDEN, INABOT NANG MAGDAMAG SA BAHAY NI KATHRYN

ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 16, 2024

Usapang Alden Richards na lang din ang isa sa maiinit na isyu sa ngayon, balitang nagbabad, as in halos kabisado na raw ng aktor ang bawat parte ng bagong bahay ni Kathryn Bernardo.

Sa pinag-uusapan ngang house warming ng mansion ni Kath sa Antipolo, isa si Alden sa mga naging very special guests ng Bernardo Family.

Siyempre, bukod sa kuwentuhan, bidahan ng mga accessories at appliances at iba pang nasa loob at labas ng bahay, may mga kasiyahan daw sa pagkain, drinks at kantahan ang naturang house warming.

Halos magdamagan ang naging kasiyahan ng mga bisita at isa nga umano si Alden sa pinakahuling nagpaalam at umalis.

And yes, inikot nga ni Alden ang bawat parte ng bahay ng napapabalitang "dearest friend" niya sa ngayon.

    0