ffernandoangela

Mar 4

35 patay sa matinding pag-ulan

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 4, 2024

Umabot sa 35 katao ang namatay at 50 ang nasugatan dulot ng pagbuhos ng matinding ulan sa Pakistan.

Sumira rin ng mga kabahayan at nagdulot ng nakamamatay na landslide ang nasabing pag-ulan.

Marami sa mga nasawi ay kababaihan at bata, ayon sa ulat ng provincial disaster management authority.

Patay naman ang limang katao at napilitang lumikas ang 10,000 iba pa sa southwestern Balochistan province dahil sa pagbaha.

Nagbigay na ang Pakistan ng 28 toneladang rasyon ng pagkain sa 1.3k na pamilya.

    0