BULGAR

May 15, 2021

3 nakasama ng OFW na positibo sa Indian variant, nagpositibo rin sa Covid

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 15, 2021

Tatlo sa 32 close contacts ng overseas Filipino worker (OFW) na nagpositibo sa Indian variant ng COVID-19 ang kumpirmadong positibo rin sa COVID-19, ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong araw, May 15.

Aniya, “As to the case number 2, the 58-year-old male from UAE, meron po tayong verified na 32 close contacts doon sa eroplano at tatlo po sa kanila ay positive.”

Sa ngayon ay ipinadala na ng DOH sa genome sequencing ang test results ng tatlong nagpositibo sa COVID-19, upang malaman ang variant na kumapit sa kanila.

    0