A.Servinio

Jun 23, 2020

NCAA, tampok na usapin sa PSA Online Forum

Mga opisyal ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang mga bisita ngayong Martes sa pagpapatuloy ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Online Forum. Ibabalita ng papasok na Management Committee Chairperson Fr. Victor Calvo OP ng Colegio de San Juan de Letran at Peter Cayco ng Arellano University ang mga plano ng liga para sa parating na Season 96.
 

 

 
Kamakailan ay inihayag ng bagong punong abalang Letran na sa 2021 na magbubukas ang
 

 
NCAA at apat na disiplina lamang – Basketball, Volleyball, Athletics at Swimming – ang lalaruin. Lilinawin naman ni Cayco ang mga usapin na naiwan sa huling season kung saan nagsilbing punong abala sa unang pagkakataon ang Arellano.
 

 

 
Mapapanood ang lingguhang pulong balitaan ng live sa pahina ng PSA at Radyo Pilipinas 2 sa
 

 
Facebook simula 10:00 ng umaga. Ang PSA Online Forum ay unang inihatid sa ere ang noong
 

 
Hunyo 2 matapos mawala ng tatlong buwan. Ilan sa mga naging panauhin sa mga nakaraang
 

 
mga linggo ay sina PSC Chairman William Ramirez, POC President Rep. Abraham Tolentino, PBA Commissioner Willie Marcial at Deputy Commissioner Eric Castro at UAAP Season 82 President Emmanuel Fernandez ng Ateneo de Manila University at Executive Director Atty. Rebo Saguisag.

    0