Gerard Arce

Jun 23, 2020

Blaydes wagi VS. Russian sa UFC heavyweight fight

ng wrestling ang ipinakita ng American number 3 contender
 

 
laban sa Russian fighter na makailang-ulit nitong na-take downDinomina ni UFC heavyweight contender Curtis Blaydes si Russian fighter Alexander
 

 
Volkov sa pamamagitan ng kanyang mga wrestling skills, (Linggo ng umaga sa Pilipinas), para
 

 
makuha ang kanyang ika-apat na sunod na panalo sa UFC fight sa ESPN na ginanap sa APEX
 

 
facility sa Las Vegas, Nevada.
 

 

 
Pambihirang kakayanan sa larangan maging sa unang 10 segundo pa
 

 
lamang ng unang round at sa tatlo’t kalahating rounds ng 5-round battle. Nakamit ni Blaydes ang
 

 
unanimous victory sa mga hurado na nagbigay ng 49-46, 48-47 at 48-46 para maingat ang
 

 
kartada nito sa 14-2.
 

 

 
Sinubukan pang makabawi ni Volkov nang magpamalas ng sariling ground game at striking
 

 
skills sa 5 th round, ngunit mas nangibabaw ang lakas ni Blaydes sa grounds.
 

 
“It's always a good experience to know you can go 25 minutes, and there's things you need to
 

 
work on, but you learn them in a win,” saad ni Blaydes matapos ang laban. “I need to work on
 

 
my conditioning after the third round, but I'm happy with the win. Volkov is legit and I'm one
 

 
step closer to a title shot.”
 

 

 
Dahil sa panalong ito ay naging malaki ang tsansa ni Blaydes. Gayundin, si Francis Ngannou na
 

 
maglaban para sa numero unong lalaban para sa UFC hevayweight title ni Stipe Miocic na
 

 
nagawang tapusin ang trilogy nito kay Daniel Cormier sa UFC 252 noong Agosto 15, 2019.
 

 

 
Naipit naman sa Estados Unidos ang 6-foot-7 na Ruso dahil sa mga paghihigpit ng kanilang
 

 
bansa dahil sa coronavirus pandemic, na matagal ring nabakante sa laban buhat ng panalo nito
 

 
kay Greg Hardy sa Moscoq noong isang taon.
 

 

 
Wagi naman ng unanimous decision si featherweight Josh Emmet kay Shane Burgos sa co-main
 

 
event para tanghaling isa sa magagandang laban sa fan-free bout.
 

 

 
Nakuha naman ni dating bantamweight contender Raquel Pennigton (11-8) ang isang decision
 

 
laban kay Marion Reneau para makuha ang ikalawang panalo sapol noong 2016.


 
Tinapos naman ng beteranong si Jim Miller si Roosevelt Roberts sa pamamagitan ng armbar sa
 

 
2:25 ng first round ng catchweight.

    0