BRT​

Jun 22, 2020

Wanted na hired killer, timbog

LANAO DEL NORTE — Isang wanted na hired killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Simbuco, Kolambugan.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na si Alfredo Andales, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.

Napag-alaman na inaresto ng pulisya si Andales sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder.

Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad si Andales na umuwi sa kanilang bahay kaya agad itong dinakip ng mga awtoridad.

    0