Erlinda Rapadas

Jun 22, 2020

Sey mo, Julia? IVANA, UMAMING TYPE SI JOSHUA

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Sa one-on-one interview ni Toni Gonzaga kay Ivana Alawi sa programang I Can Feel U, natanong ang bagong Pantasya ng Bayan kung ano ang kanyang iniyakan at kung saan siya nasaktan nang husto nang pasukin niya ang showbiz.

Nakatikim din ba siya ng pang-aalipusta sa ginawa niyang pagpapa-sexy para lang mapansin at mabigyan ng projects?

Pagtatapat ni Ivana, mismong mga itinuturing niyang matatalik na kaibigan pa ang unang nanlait sa kanya at sinabihan siyang walang mararating kahit na magpa-sexy pa.

Labis na ikinasasama rin ng loob ni Ivana ang madalas na sabihin ng mga netizens na "Hubadera ka lang" na sobrang nanghamak sa kanyang pagkatao.

Kaya naman nagsikap siya upang patunayan sa lahat na hindi lang paghuhubad ang kaya niyang gawin. Maraming gustong gawin si Ivana nang mabigyan ng break sa showbiz. Pangarap niyang makasama sa movie sina Joshua Garcia at Marco Gumabao.

    0