Pabs Hernandez III

Jun 21, 2020

Pagkalaki-laki ng inutang ng gobyerno, tapos wala na agad pera? Ngek!

Pablo L. Hernandez III / Prangkahan

ANG LAKI NG INUTANG, TAPOS WALA NA RAW PERA ANG BAYAN?—Batikos ang
 

 
inabot sa publiko ni P-Duterte sa sinabi niyang wala nang pera ang gobyerno kaya transistor
 

 
radio na lang ang bibilhin para sa mga guro at mag-aaral sa mga malalayong lugar.
 

 

 
Mababatikos talaga si P-Duterte kasi malaki ang inutang ng gobyerno para panlaban sa COVID-
 

 
19 at pantustos sa pangangailangan ng mamamayan pero hindi pa man ramdam kung ano ang
 

 
mga pinagkagastusan sa mga inutang, maririnig agad natin sa Pangulo na wala nang pera ang
 

 
pamahalaan, buwisit!

◘◘◘

SABLAY ANG PATUTSADA NI ROQUE KAY VP LENI—Naglaban-bawi si Presidential
 

 
Spokesman Harry Roque sa patutsada niya kay VP Leni Robredo.
 

 

 
Nang punahin ni VP Leni ang kapabayaan ng gobyerno sa pagbibigay ng public transport sa mga
 

 
stranded na pasahero na nagdulot ng kamatayan isa nating kababayan ay pinatutsadahan ito ni
 

 
Roque na mag-ambag na lang daw ng maitutulong.
 

 

 
Pero nang putaktihin siya ng batikos ng mga netizens at ipamukhang maraming naitulong ang
 

 
Office of the Vice-President (OVP), biglang-bawi ang presidential spokesman na kinikilala
 

 
naman ng Duterte gov’t. ang mga naitutulong nito sa mamamayan sa panahon ng krisis, boom!

◘◘◘

DOH, MAS BILIB SA TESTING KITS NA GAWANG CHINA KAYSA GAWANG
 

 
PINOY—Kukuwestiyunin ng Ombudsman ang mga opisyal ng Department of Health kung bakit
 

 
bumili pa ng mga COVID-19 testing kits sa ibang bansa at “ibinasura” ang mga testing kits na
 

 
gawa ng mga eksperto na taga-University of the Philippines.
 

 

 
Ang bansang tinutukoy ni Ombdusman Samuel Martires ay China dahil d’yan lang naman
 

 
umaangkat ang DOH ng mga medical supplies na may kinalaman sa COVID-19.
 

 

 
Pambihira, imbes na i-promote ang testing kits na gawang Pinoy kasi aprub naman sa Food and
 

 
Drugs Administration na gamitin ito ay pinalabas pa ng DOH na hindi ito oks gamitin kaya sa
 

 
China pa sila umangkat ng mga testing kits, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

MAY PANDEMYA NA, MAY EJK PA—Noong June 18 ay pinasok ng mga armadong lalaki
 

 
ang inuupahang bahay ng magka-live-in na sina Alfie Sumaya at Mona Zafe sa Bagong Silang,
 

 
Caloocan City at pinagbabaril ang dalawa hanggang sa mapatay.
 

 

 
Kakila-kilabot naman, may pandemya na nga, may EJK pa? ‘susmaryosep!
 

 

 

 

 

 

 

 

    0