BRT​

Jun 20, 2020

Most wanted na killer, nasakote

CAPIZ — Isang most wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Dumulog, Roxas City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rodel dela Cruz, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na inaresto ng pulisya si Dela Cruz sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder.

Ayon sa ulat, may nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Dela Cruz kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.

    0