Madel Moratillo

Jun 19, 2020

15 MRT employees, positibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang 15 manggagawa ng maintenance service provider ng MRT-3. Ayon kay Godess Hope Libiran, Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs ng Department of Transportation, ang mga nasabing manggagawa ay nakatalaga sa MRT depot at hindi sa mismong MRT stations.

Kaya naman tuloy pa rin ang operasyon ng MRT sa kabila nito. Pero, bilang pag-iingat, lahat ng mga tauhan ng MRT-3 at Sumitomo ay isasailalim sa rapid testing.

Ang mga magpopositibo sa rapid test ay isasailalim naman sa RT PCR test para makumpirma kung talagang positibo sa virus.

Tiniyak naman ni Michael Capati, director ng MRT-3, na isinasailalim nila sa mga disinfection ang lahat ng kanilang mga tren at maging mga istasyon para masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado at mananakay.

Nagsasagawa naman na ng contact tracing sa mga nakasalamuha at nagkaroon ng close contact sa mga nasabing manggawa.

    0