BRT​

May 27, 2020

Negosyante binoga sa ulo, tepok

Bacolod City—Namatay ang isang negosyante nang barilin sa ulo ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Sum-ag.

Nakilala ang biktima na si Randolf Domingo, residente ng Bgy. Singcang Airport sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, tumatawid sa kalsada si Domingo nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad binaril sa ulo ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos tiyaking patay na ang biktima.

Kasalukuyan nang tinutugis ng pulisya ang dalawang suspek.

    0