BRT​

May 27, 2020

Most wanted na kawatan, nasakote

Cagayan—Isang most wanted na magnanakaw ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Solana.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Niko Jay Brooks, nakatira sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Brooks sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong qualified theft sa naturang lalawigan.

Nabatid na may nakuhang impormasyon ang pulisya na umuwi sa kanilang bahay si Brooks kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.

    0