Imee R. Marcos

May 25, 2020

Huwaaattt? Magtaaas ng singil sa kuryente ang Meralco? Bakit? Nakakalokah!

Imee R. Marcos / Buking!

Pagpataw ng panibagong buwis sa gitna ng krisis, ‘di patas sa maliliit na negosyo, ‘kalokah!

Big no ako sa mga bagong buwis sa mga negosyo ngayong nasa krisis pa tayo ng COVID-19
 

 
pandemic, lalo na ‘yung gustong ipataw sa mga micro, small at medium enterprises!
 

Eh, bakit ‘ka mo? Common sense naman mga friendship, ‘di ba nga, hindi pa nakakabawi sa
 

 
pagkalugi ang mga negosyo sa bansa dahil sa mahigit dalawang buwang lockdown, tapos
 

 
bubuwisan na naman sila nang bago? Santisima!
 

Sa akin lang, mga beshy, ang dapat gawin ng ating mga kasama sa gobyerno, eh, tulungan muna
 

 
ang ating mga kababayan na makabangon para may pampasahod sila sa kanilang mga
 

 
manggagawa dahil kapag nabangkarote sila, magtatanggal sila ng mga tauhan o baka tuluyan
 

 
nang magsara! Mas masalimuot ang mangyayari, ‘kalokah!
 

Sa kabilang banda, medyo nakahinga naman tayo nang maluwag kasi nag-agree ang ating mga
 

 
economic managers na i-calibrate o ayusin at i-adjust ang CITIRA o Corporate Income Tax and
 

 
Incentives Reform Act sa halip na madaliin na ipasa ito ng mga mambabatas.
 

Hindi makatutulong sa mga negosyante ang kasalukuyang bersyon ng CITIRA na 1% lang ang
 

 
ibabawas sa corporate income taxes kada taon sa pagitan ng 10 taon, isama pa riyan ang
 

 
inflation, currency exchange rates at iba pa sa halip ang dapat ay 5%.
 

Kapag na-overhaul ang CITIRA at nakita rin ng mga foreign investor na maganda ang mga tax
 

 
incentive sa ‘Pinas, makakahikayat pa ito ng mas maraming foreign investor, magkakatrabaho pa
 

 
ang ating mga kababayan at unti-unti nang makakabawi ang ating ekonomiya. Ganu’n ‘yun!

    0