BRT

May 24, 2020

Libo-libong nagprotesta sa Hong Kong, sinalubong ng tear gas at water cannon

Sinalubong ng kaliwa’t kanang tear gas at water cannon ang libo-libong nagsagawa ng kilos-protesta sa Hong Kong bilang pagtutol sa national security law ng China sa naturang lungsod.
 

Batay sa ulat, nagkalat ang mga nagpoprotesta sa Causeway Bay at Wan Chai.
 

Kaugnay nito, nagtataas umano ng asul na watawat ang mga kapulisan sa HK bago magbato ng tear gas sa mga nagtipon-tipon sa labas ng Sogo Department Store.
 

Samantala, isang armoured vehicle at water cannon naman ang umiikot sa Hennesy Road kung saan sakay ng mga ito ang special tactical squad ng mga pulis na tumutulong din sa pagkontrol ng kaguluhan.
 

Una nang inanunsiyo ng China’s National People Congress ang pagpapatupad sa national security legislation na magbibigay ng pahintulot sa mga awtoridad ng China na magtayo ng mga agency at gawin ang kanilang tungkulin sa Hong Kong.
 

Kaugnay nito, inaasahang maipapasa ang nasabing panukala sa Mayo 28.

    0