V. Reyes

Apr 20, 2020

Ex-Sen. Alvarez, patay sa COVID-19

Pumanaw na matapos tamaan ng Coronavirus Disease 2019 si dating Senador Heherson 'Sonny' Alvarez.

Kinumpirma ng kanyang anak na si Hexilon ang pagpanaw ng ama sa edad na 80.

“We are all still in a state of immense grief and shock,” ani Hexilon.

Ang dating senador at ang kanyang misis ay kapwa napaulat na nagpositibo sa COVID-19 noong Marso at kritikal ang kondisyon na nasa isang ospital sa Maynila.

Noong nakaraang linggo ay napaulat na nakatakdang isalang sa plasma therapy ang dating senador upang makabawi mula sa virus infection.

    0