Lourdes Abenales​

Apr 6, 2020

Sen. Angara, gumaling sa COVID-19

Kinumpirma ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na pinayagan na siya ng kanyang mga doktor na makauwi matapos gumaling mula sa COVID-19.

Ayon kay Angara, nag-negatibo na siya sa nakaraang test para sa deadly virus at pneumonia.

“After several days in the ER and the COVID wing, my doctors finally sent me home today– negative for the virus and pneumonia free,” ani Angara.

Nagpasalamat naman ito sa mga doktor at nurse na nag-alaga sa kanya sa panahon ng confinement at quarantine period.

    0