BRT

Apr 6, 2020

Kadiwa Program ng DA, available na online

Puwede nang ma-access online ang Kadiwa Program ng Department of Agriculture (DA).

Kabilang sa maaaring mabili ay mga gulay at prutas.

Available sa 25 lungsod sa Greater Manila Area at may maximum waiting time na isang linggo para sa order na bibilhin online.

Sa ngayon, bulk orders muna o minimum ng 2 kilo ang tinatanggap sa order online at may fixed delivery fee na P100.

Ang mga produkto ay mula sa farmer-coops, associations at trading centers sa Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Isabela, Benguet at Quezon Province.

    0