Gina Pleñago​

Apr 4, 2020

P0.90 rollback sa gas

May napipintong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa anunsiyo ng ilang kumpanya ng langis, posibleng may pagtapyas na P0.80 hanggang P0.90 kada litro ng diesel, P0.40 hanggang P0.50 naman sa kada litro ng gasolina at sa kerosene ay nasa P0.70 hanggang P0.80 kada litro.

Kamakailan nang magpatupad ng malaking bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis dahil sa pagbaba ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

    0