V. Reyes​

Apr 4, 2020

Mga cong., nag-donate ng 1 buwang sahod kontra COVID-19

Nakalikom na ng mahigit P40 milyon ang mga miyembro ng House of Representatives para i-donate sa pagsisikap ng gobyerno na malabanan ang Coronavirus Disease 2019.
 

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, halos 200 kongresista ang nag-donate ng kanilang buong sahod para sa buwan ng Mayo.
 

Una nang tinarget ng liderato ng Kamara na makalikom ng P50 milyon na donasyon mula sa mga mambabatas.
 

Maliban dito, sinabi ni Cayetano na lalapit din sila sa iba pang mga kaibigan para mangalap ng donasyon at umaasang aabot sa P100 milyon ang kanilang maiipon.
 

"May muna ang pinag-usapan namin. [H]opefully po hindi na umabot itong crisis ng June, pero 'pag umabot po, then we will make a second call," ani Cayetano.

    0