V. Reyes

Apr 1, 2020

7-anyos patay sa COVID-19 sa Pangasinan

Pumanaw na ang pitong taong gulang na babae sa bayan ng San Fabian sa Pangasinan makaraang magpositibo sa Coronavirus Disease 2019.


 
Nabatid mula kay San Fabian Mayor Constante Agbayani na na-confine ang paslit sa La Union Medical Center sa Agoo, La Union noong Marso 26 at namatay din noong araw na iyon.


 
Residente ng Barangay Inmalog Sur ang bata ngunit hindi naging malinaw kung paano siya nahawa ng sakit.


 
Kahapon lamang lumabas ang resulta ng pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na ginawa sa batang babae.


 
Kasabay nito, sinabi ni Agbayani na isinailalim na sa extreme community quarantine ang Barangay Inmalog Sur dahil sa positibong kaso ng COVID-19 doon.

    0