MC

Mar 31, 2020

NBA Stars Curry, nanguna sa raffle COVID-19 relief

Mahigit sa 115 mga atleta, coaches at sports personalities mula sa 13 mga bansa ang nagkapit-bisig upang makalikom ng halaga para sa itinatag na COVID-19 response fund upang matulungan ang marami sa kanilang mga kababayan na naapektuhan ng global pandemic.

Ang ilan sa mga atletang tulad nina Simone Biles, Mark Cuban, Stephen Curry, Dale Earnhardt Jr., Tony Hawk, Rose LaVelle, Jack Nicklaus, Michael Phelps, David Ortiz at Michael Strahan mula sa 20 iba’t ibang sports ang nagpaabot na ng donasyon para mai-raffle sa mga donors na aabutan ng hindi bababa sa halagang $25 na donasyon.

Ang ideya ni David Schwab, ang executive VP ng sports agency na Octagon na “Athletes for Relief” ay simula na hanggang Mayo 1 at nakalikom na ng $63,000.

“Right away, so many athletes were asking how could they help. What could they do? So this was a way for them to do something together. Our goal is simple: to provide as much relief as we can for COVID-19. Everyday we all wake up thinking about the people who are sick and the spread of this disease. And this will help those people.”

    0