BULGAR

Mar 31, 2020

Nagpakalat ng fake news timbog

NUEVA ECIJA — Isang netizen na nagpakalat ng fake news sa social media ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sta. Barbara, San Antonio.

Kinilala ang suspek na si Renzo Peret, residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nag-panic ang mga residente sa naturang bayan nang mag-post si Peret na may helicopter umanong mag-i-spray ng insecticide sa kanilang lugar laban sa coronavirus at magdedeklara din umano si Pangulong Rodrigo Duterte ng total lockdown sa buong bansa at isasara na ang mga palengke at bangko.

Dahil “fake news” ang post ni Peret sa social media ay agad itong inaresto ng mga awtoridad.

Nakapiit na si Peret na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11649 o “Bayanihan To Heal As One Act.”

    0