V. Reyes

Mar 31, 2020

DILG Sec. Año, positibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na positibo siya sa Coronavirus Disease 2019.


 
Sa kanyang mensahe ngayong gabi, sinabi ng kalihim na ngayong araw lamang nito natanggap ang resulta ng COVID-19 test na ginawa sa kanya noong Marso 27.


 
Nagpasuri aniya siya dahil nakasalumuha niya ang apat na indibidwal na nagpositibo sa virus. Pero nauna rito ay sumailalim na rin siya sa 14-day self-quarantine simula noong Marso 26.


 
"I make this announcement to call the attention of all persons I had close contact with to go on self-quarantine and observe any symptoms, in accordance with DOH guidelines," ani Año.


 
Sinabi pa ni Año na maganda naman ang kanyang kondisyon at magpapatuloy sa pagtatrabaho kahit naka-self-quarantine sa bahay.


 
"The result of my test will not in a way dampen my spirit and energy to do my job," dagdag pa ng kalihim.

    0