Mylene Alfonso​

Mar 31, 2020

60-day lockdown extension, fake news!

Iginiit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na "fake news" ang impormasyong kumakalat sa social media na palalawigin pa sa loob ng 60 araw ang enhanced community quarantine.
 

“Uulitin po namin: Hindi po totoo ang kumakalat na fake news na ie-extend ang ECQ nang 60 days.

Sa usapin na ito, science is in charge. Sana po malinaw ito sa ating lahat," wika pa ng opisyal.
 

Nakatakdang magtapos ang Luzon wide quarantine sa April 14.

Kaugnay nito, inihahanda na ng technical working group ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga hakbang para madetermina kung itutuloy pa o hindi na ang Luzon enhanced community quarantine hinggil sa outbreak ng Coronavirus Disease 2019.
 

Ayon kay Nograles, ang Department of Health ang inatasang mamuno sa binuong TWG ng IATF kaugnay sa pagdedesisyon kung kinakailangan nang alisin, palawigin o palawakin pa sa ibang lugar ang ECQ.
 

"Ang IATF TWG na pinamumunuan ng DOH ay inaatasan na i-finalize ang mga pamantayan na gagamitin para matukoy kung itutuloy o hindi ang ECQ dito sa Luzon o kung may isasama pang lugar sa ECQ na ito," sabi ni Nograles, spokesman ng task force.

    0