Madel Moratillo

Mar 30, 2020

FDA, nagbabala sa pag-inom ng Prodex-B

Hindi inirerekumenda ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Prodex-B bilang panggamot sa Coronavirus Disease 2019.

Sa isang statement na inilabas ng FDA, nakasaad na ang Prodex-B na drug combination ng Procaine at Dexamethasone with Vitamin B na kumakalat ngayon at sinasabing may magandang resulta laban sa viral infections at iba pang sakit.

Ayon sa FDA ang Prodex-B ay hindi nakarehistro sa kanila.

"The drug combination of Procaine and Dexamethasone with Vitamin B called “Prodex-B” is circulating in various media platforms and claims that it has promising effects against viral infections and diseases. However upon verification, the drug product “Prodex-B” is unregistered in this Office," pahayag ng FDA.

Ang Procaine umano ay isang anesthetic na ginagamit para makabawas ng sakit sa injection, habang ang Dexamethasone naman ay isang corticosteroid na dapat maging maingat sa paggamit dahil ang side effect nito ay pagpapahina sa immune system.

Paalala ng FDA ang mga hindi rehistradong gamot ay maaaring makasama sa kalusugan. Pinayuhan naman ng FDA ang mga nakatanggap ng nasabing gamot na i-monitor ang sarili sa maaaring negatibong reaksiyon ng gamot sa katawan at agad magpatingin sa manggagamot.

    0