Gina PleƱago

Mar 26, 2020

Quarantine pass pinag-awayan, anak tinaga ni tatay

Kulong ang isang ama matapos tagain ang kanyang anak dahil sa quarantine pass sa Banga, Aklan.

Kinilala ang suspek na si Benedicto Meneses, Sr., 69, habang ang biktimang anak ay si Babylon Meneses, 40.

Ayon sa imbestigasyon, nagtalo ang mag-ama nang komprontahin ng lasing na suspek ang anak kung bakit sa kanya ipinangalan ang inisyung quarantine pass para sa kanilang pamilya.

Giit ng biktima, hindi ito puwede sa kanya dahil senior citizen na siya.

Dahil dito, nagalit umano ang kanyang ama at bigla siyang tinaga habang kumakain na tinamaan sa kanang tagiliran na agad namang nadala sa ospital.

    0