Levi Gonzales

Mar 11, 2020

Tserman, niratrat patay

Dead-on-arrival sa ospital ang isang barangay chairman makaraang barilin sa Bgy. Lucong, Mabitac, Laguna.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng hatinggabi habang kumakain sa loob ng kanyang bahay ang biktimang si Alfredo Facundo, 50, may asawa, nang pasukin ng hindi nakikilalang suspek.

Agad siyang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago nagsitakas.
 

 
Naisugod pa ito sa pagamutan subalit, binawian din ng buhay.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng krimen at nasa likod nito.

    0