Levi Gonzales

Mar 5, 2020

2 tiklo sa P 8-M droga

Arestado ang dalawa katao matapos masabat ang nasa P8,670,000 halaga ng shabu sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon.

Pasado alas-11:00 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation kung saan naaresto ang mga suspek na sina Mary Jane Pamatmat, 30, at Niel Carlo Tolentino, 24, ng Bgy.

Malabanban Norte, Candelaria, Quezon.

Narekober sa mga suspek ang ilang bulto ng hinihinalang shabu, drug paraphernalias, 19 na pirasong tig P1,000 boodle money.

Inaresto ang dalawa at nahaharap sa kaso kaugnay sa pagbebenta ng ilegal na droga.

    0