Madel Moratillo

Feb 24, 2020

Pinoy sa Singapore, may COVID-19

Isang Pinoy sa Singapore ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019.


 
Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, ang Pinoy ay nasa isolation sa National Center for Infectious Diseases ng Singapore. Patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas sa Singapore sa mga health authorities para mabantayan ang kondisyon ng Pinoy.


 
Samantala, pumalo na sa mahigit 2,400 ang bilang ng mga nasawi sa China dahil sa COVID-19, matapos na mamatay ang 96 katao sa Hubei Province.
 

    0