Gerard Arce

Feb 22, 2020

Santisima, planong itumba sa Wilder-Fury Undercard Match

Planong patumbahin ni World Boxing Organization (WBO) super-bantamweight champion Emannuel “Vaquero” Navarrete si Filipino challenger Jeo “Santino” Santisima sa kanilang 12-round title match sa Sabado, (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa MGM Grand Garden Arena, Paradise sa Las Vegas, Nevada.

Ang salpukan ng tinaguriang “The Mexican Iron Man” na si Navarrete at ng ALA boxer na si Santisima ay parte ng undercard super-fight ng Top Rank/TGB na Deontay Wilder at Tyson Fury WBC heavyweight title rematch.

Determinado ang 25-anyos na Mexican champion na humanap ng pagkakataon na mapabagsak ang 22-anyos na tubong Aroro, Masbate upang makapaghangad pa ito ng unification fights sa mga susunod na laban.

Ngunit, sakaling walang kumagat sa kagustuhan nitong mai-unify ang kanyang titulo sa ibang kampeon sa 122-pounds ay mapipilitan na lang itong umakyat ng featherweight division upang doon ipagpatuloy ang laban niya.

    0