BRT

Feb 17, 2020

COVID-19 sa naka-quarantine na cruise ship, lumala.. Higit 500 Pinoy, balik-bansa

Higit 500 Pinoy seamen sa loob ng naka-quarantine na cruise ship sa Japan ang nakatakdang i-repatriate ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa paglobo ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases sa loob ng naturang barko.

Kinumpirma kahapon ng health minister sa Japan na may panibagong 70 bagong nagpostibo sa COVID-19 mula sa cruise ship na Diamond Princess na dumaong at naka-quarantine sa Yokohama. Sa kabuuan, umakyat na sa 355 ang mga kaso ng COVID-19 mula sa Diamond Princess cruise ship, 11 dito ay

mga tripulanteng Pinoy.

“Iyung mga uuwi na kababayan natin, eh, as usual, they will be given the usual reintegration program from OWWA (Overseas Workers Welfare Administration).

Before I left, Health Secretary Francisco Duque called me and asked me to call ‘yung manning agency, ‘yung Magsaysay, dahil iuuwi namin ‘yung 500 plus na crew member from Diamond Princess. Sabi niya paki-request naman ang Magsaysay Manning Agency to provide ‘yung quaratine facility,” panayam kay Bello.

    0