Gina Pleñago

Feb 14, 2020

No contact policy sa PAGCOR

Ipatutupad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang “No Contact” policy sa pagtanggap ng mga financial and medical assistance requests.


 
Ang polisiyang ito ay nagsimula na nitong Pebrero 10, 2020. Sa halip na pumila upang isumite ang mga kinakailangang dokumento para sa tulong-pinansiyal at medikal, maaari na lamang isumite ang mga requirement sa drop box na matatagpuan sa lobby ng PAGCOR Corporate Annex, 1105 United Nations Avenue, Ermita, Manila.


 
Ang mga pasyente na magsusumite sa pamamagitan ng PAGCOR drop box ay makatatanggap ng text messages upang malaman nila ang status ng kanilang request.


 
Ayon kay PAGCOR Vice-President for Corporate Social Responsibility Jimmy Bondoc, kahit ipinatutupad na ang bagong polisiya, ang PAGCOR ay patuloy na bibigyang prayoridad ang medical request ng mga pasyenteng sumasailalim sa chemotheraphy at dialysis.
 

    0