Mylene Alfonso

Feb 14, 2020

Iwas-COVID-19.. Nilalagnat, bawal sa V-Day concerts

Kasabay ng Araw ng mga Puso, naglatag ng mga pasilidad ang ilang establisimyento kontra sa Coronavirus Disease (COVID-19).


 
Magkakaroon ng thermal scanning sa Cultural Center of the Philippines, kung saan idaraos ang dalawang Valentine’s concerts.


 
Sa panayam kay Rosario Tala, nangangasiwa sa venue operations ng CCP, pagbabawalan nilang pumasok sa venue ang sinumang makikitaan ng lagnat sa bisa ng thermal scanners.


 
“Those na magre-register ng 38-plus body temperature... Regrets, but we need to refuse admission,” ani Tala, na nagpaalala rin sa mga nilalagnat na huwag nang tumuloy sa mga concerts. Naglagay din ng hand sanitizers at alcohol sa venue at pasusuotin ng face masks ang CCP staff.


 
Samantala, sa kabila ng pangamba sa COVID-19, pinaghahandaan na rin sa ilang restoran ang dagsa ng tao ngayong Valentine’s Day.


 
Gumagamit ng mga disinfectant ang ilang restaurant managers para linisin ang kanilang mga gamit. Puwede rin umanong humingi ang mga kustomer ng alcohol sa mga crew ng mga kainan.
 

    0