Twincle Esquierdo

Feb 10, 2020

Mga dahilan para hindi malungkot sa V-Day kahit single

Hindi naman lahat ay may dyowa, tama ba? Kaya ang iba ay nalu­lungkot na wala silang makaka-date sa Araw ng mga Puso dahil hindi nila mararanasan o ma­raram­daman na sila ay special dahil wala silang karelasyon.

Pero alam n’yo, hindi lang naman dyowa ang puwede n’yong maka-date para maging masaya. Na­rito ang ilang tao na pu­wedeng maka-date:

1. PAMILYA. Hindi lang tuwing Pasko at Ba­gong Taon maa­aring makumpleto ang pa­milya dahil puwede n’yo rin silang i-date ngayong V-Day. Si­guradong mas magi­ging masaya ang Va­lentine’s Day ninyo kaya naman ‘wag ka­yong magdalawang-isip na gawin ito dahil magiging bonding n’yo na ito at tiyak na buo naman ang in­yong pamilya.

2. MGA KAIBI­GAN. Siyempre, lahat tayo ay may kaibi­gan. Para sa mga may li­him na pag­tingin sa kaibi­gan d’yan, ito na ang in­yong pag­ka­kataon para magta­pat sa kanya, ngunit dahan-da­han lang dahil baka ma-awk­ward ang friend mo at ma­sira ang pagkakaibi­gang binuo ninyo.

3. KATRABAHO. Ang mga katrabaho mong single, oks ding maka-date para naman hindi kayo puro trabaho sa araw na ito. Gayundin, lalong lalalim ang inyong pagsasama at mas makikilala ninyo ang isa’t isa. Kaya ya­yain ang mga beshy mo sa opisina at pag­planu­han na ang in­yong pagde-date.

4. ALAGANG HAYOP. Kung may alaga kang aso o pu­sa, puwedeng-puwe­de na kayong mag-date dahil nakatutuwa rin namang makasa­ma sila sa espesyal na araw na ito. For sure, ma­giging happy kayong da­lawa.

5. SARILING DATE. Hindi mo naman kaila­ngang mainggit o malung­kot sa Araw ng mga Puso dahil puwede mong i-date ang iyong sarili o mag-me time.

Sa mga single r’yan, minsan, kailangan muna nating mahalin ang ating sarili bago ang iba kaya naman, ‘wag kang ma­lung­kot o mainggit dahil darating din ang taong para sa iyo.

Kaya mga ka-BUL­GAR, hindi lang ang mga may karelasyon ang ma­giging masaya sa Valen­tine’s Day dahil ang mga mahal mo sa buhay o na­kapaligid sa iyo ang maaari mong maka-date.

Ga­yundin, hindi lang sa Araw ng mga Puso pu­wedeng iparamdam ang pagmamahal mo sa ka­nila dahil kaya mo itong gawin araw-araw. Okie?

    0