Mylene Alfonso / V. Reyes

Jan 27, 2020

Hindi pa kalmado ang Taal volcano

Bagamat, ibinaba na ang alerto, ni­li­naw ni Phi­volcs Director Undersecre­tary Renato Solidum, Jr. na hindi ito nanganga­hulugan na wala na ang pangamba na mag­kakaroon ng mapanga­nib na pagsabog.

Maaari pa rin aniya na may mangyaring mga pag­sabog, pagyanig, ashfall at pagbuga ng lava dahil naka­taas pa ang Alert Level 3 at anumang oras ay maibabalik sa Alert Level 4 kung mag­babago ang mga aktibidad ng bulkan.

Inirerekomenda ng Phi­volcs ang mahig­pit na pag­babawal na magtungo sa Taal Volcano Island na deklara­dong permanent.

    0