V. Reyes
Jan 20, 2020
Halos 800 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Taal sa loob ng 24 oras kasabay ng patuloy na pagbubuga ng usok at abo mula sa bunganga nito.
Sa ipinalabas na pinakahuling bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may 787 volcanic quakes ang naitala ng Taal Volcano Network hanggang alas-5:00 ng madaling-araw kahapon.
Nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Taal Volcano na ang ibig sabihin ay malaki ang posibilidad na magkaroon ng mapanganib na pagsabog anumang oras o araw.