BRT

Jan 18, 2020

Hirit sa mga nagdo-donate sa Taal.. Huwag puro de-lata

Nanawagan ang local government unit sa mga donor na huwag puro canned goods ang ibigay at sa halip ay masusustansiyang pagkain para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

“‘Yun na lang pong maluluto ng ating mga community kitchen... ‘yung mga raw food, gulay,” ani Ghie Gonzales, pinuno ng disaster risk reduction and management office.

Umapela rin ng tulong ang pamahalaang lokal para sa iba pang mga gamit na kailangan ng mga lumikas tulad ng kutson na para sa mga bata at matatanda.

Samantala, sa bayan ng Talisay, kung saan halos isang linggo nang walang suplay ng tubig, namamalimos na umano ng tubig ang ilang evacuees sa mga dumaraang motorista.

Ibinalandra ng ilang evacuees ang mga drum sa kalsada at pinapara ang mga motorista para manghingi ng tubig.

Idinadaing din nila ang kagat ng mga insektong nabulabog dahil sa pagputok ng bulkan.

    0