V. Reyes

Jan 18, 2020

Bilang ng namatay na evacuees, umabot na sa 3

Umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga namatay na evacuees habang nagpapatuloy ang pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Batay sa ulat, pinakahuli ang isang Felina de Roxas, 57, ng San Pascual,

Batangas.

Sinasabing inatake ito sa puso habang naglalaba sa evacuation center.

Nadala pa sa ospital ang biktima subalit, binawian din ng buhay.

Una rito, namatay noong Martes sina Ma. Teresita Valienye ng Talisay, Batangas dahil sa acute myocardial infarction at Danilo Toledo ng Taal, Batangas, dahil naman sa cardiac arrest.

    0